Lunes, Agosto 11, 2014


 Ang Mga Kulturang Pilipino

Ano nga ba ang “tradisyon o kaugalian”?

Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at samga tradisyon. Sila din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin. 

Halimbawa :Mga Karaniwang Tradisyon ng mga Pilipino .

  • Piyesta




  • Mahal na araw/ Senakulo

  • Mamanhikan

  • Simbang gabi


  • Flores De mayo

--

Madalas na Kaugalian

Pagmamano – ito’y madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga nakatatanda sa kanila.
Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may nakakasalamuhang tao.
Mapagkumbaba – nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.

Madalas na Paniniwala

Sa Kusina:

Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.
Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan.

Sa Kasal:

Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal
Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila.

Iba pang pamahiin:

Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin .
“Friday the 13th” – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.
Paggsing ng alas tres ng madaling araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.
Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa)

--

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento